OCCIDENTAL MINDORO – Nasunog ang bahay ng isang pulis sa San Jose, Occidental Mindoro Huwebes ng umaga na ikinasawi ng dalawang alagang aso.
Ayon kay SFO1 Norly Santos, arson investigator ng BFP -San Jose, tupok na tupok ang bahay ni Patrolwoman Angelica Recoco sa Brgy. San Roque.
Nasawi naman ang dalawang alagang aso na naiwanan sa may garahe na isang pemeranian at shih tzu.
Bahagya rin nadamay ang isa lang bahay pero natupok ang SUV at motorsiklo.
Ayon sa BFP San Jose, hinihinalang sa kuryente nagsimula ang sunog bandang 7:46 ng umaga at naapula bandang 8:30 ng umaga.
Umabaot ang sunog sa unang alarma.
Sa inisyal na pagtaya nasa 300,000 pesos ang halaga ng pinsala.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025