


TUY, Batangas – Pormal nang pinasinayaan noong Abril 22, 2025 ang bagong gusaling pangkalusugan ng Lalawigan ng Batangas na kikilalanin bilang Batangas Provincial Medical Center (BPMC) na matatagpuan sa Barangay Putol sa bayan na ito.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng buong pamunuan ng Provincial Health Office, ang pagpapasinaya sa bagong BPMC.
Highlight ng ginanap na aktibidad ang pormal na pagsisimula ng operasyon ng Out-patient Department o OPD ng nasabing pasilidad.
Ang pagpapatayo ng BPMC ay sang-ayon sa hangarin ng pamahalaang panlalawigan na makapagtatag ng mga pangmatagalang programang tutugon sa mga pangangailangang medikal ng mga Batangueño at magbibigay-katuparan sa pagpapaganap ng mandato na nakapaloob sa Universal Health Care (UHC) Law.
Ilan sa mga serbisyong ihahatid ng OPD ng BPMC ay ang Diagnostic Procedures (X-Ray, Electrocardiogram), Laboratory Tests (CBC, Blood Chemistry), at Out Patient Consultation, sa ilalim ng E-Konsulta ng PhilHealth.
Pagkatapos ng pagtitipon, isinagawa ang pagpupulong ng Provincial Local Health Board sa nasabing pagamutan, na dinaluhan nina Governor Hermilando Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, Department of Health Center for Health Development – CaLaBaRZon Assistant Regional Director Dr. Voltaire Guadalupe, Sangguniang Panlalawigan Committee on Health and Sanitation Chairperson 2nd District BM Arlina Magboo, at AnaKalusugan Cong. Ray Reyes. ( Batangas PIO)
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025