CAMP CRAME, Quezon City – Arestado sa entrapment operation ng Provincial Highway Patrol Team – Laguna (PHPT-Laguna) at Investigation Section of Regional Highway Patrol Unit 4A (RHPU4A) ang isang babae na peke umanong agent ng mga car dealer establishment na nakapambiktima na ng daan-daang kliyente.
Ang suspek ay nakilalang si Alyas Erika Lato, 33 anyos na sangkot sa isa sa pinakamalaking car scam sa bansa.
Aredtado rin ang kasama niya na si Alyas Edward , 59 na taong gulang.
Ayon kay PLT Nadame Malang, spokesperson ng PNP Highway Patrol Group , nasa higit 400 na indibidwal na ang naging biktima ng suspek kung saan ang operasyon nya ay sa buong South Luzon at Metro Manila.
“Magpapakilala siya as facilitator ,maghahanap siya ng mga client na pupwedeng thru her name may mabilisan process na makakuha ng sasakyan ito man ay assumed or bagong sasakyan” sabi ni Malang.
Ang modus umano ng suspek, maghahanap ito ng mga kliyente na gustong bumili ng mga brand new at mga sasakyan na hindi na kayang hulugan ng mga may-ari o yung tinatawag na assumed balance.
“Kapag sinabi nating assumed balance,kunwari ako po si kababayan ninyo ay hindi na kayang hulugan yung ating mga sasakyan and then ipapasalo po natin sa ating kababayan then iaassumed po niya yung balance for a certain amount magbibigay po siya ng pera sa inyo at ibibigay na yung kotse kahit hulugan “ dagdag pa ni Malang.
Nangangako umano ang suspek na mabilis niyang mapoproseso ang aplikasyon ng mga kliyente para makakakuha ng sasakyan.
Gumagamit umano ng mga pekeng ID bilang car agent ng mga car dealer establishment ang suspek dahilan para mapapaniwala niya ang mga kliyente.
Sa oras na makapagbigay na ng pera ang kliyente at mairelease na ang sasakyan ay maglalaho na ang suspek tangay ang sasakyan.
“Kapag nakuha na ang pera, iisyuhan niya ng pekeng receipts or kundiman ay mag issue siya ng pekeng ORCR at dahil nasa kaniya na nga ang sasakyan at nasa kaniya na ang pera doon na siya maglalaho” sabi pa ng tagapag-salita ng PNP HPG.
Isang biktima ang lumapit at humingi ng tulong sa Laguna HPG matapos umanong manghingi ang suspek ng 100,000 para ibalik ni Erika ang sasakyan sa kaniya dahilan para magkasama ng entrapment operation ang mga otoridad at maaresto ang suspek sa Rizal Boulevard sa Barangay Kanluran, Santa Rosa City, Laguna.
“Muli ang panawagan ng inyong HPG dyan kung hindi talagang kayang hulugan ang ating mga saasakyan ito po ay ibalik sa casa or kungdiman yung ating pagbibigyan o mag-aassumed ng ating sasakyan ay yung may tiwala po para makaiwas po sa ganitong kalokihan” paapala ni Malang.
Sa ngayon ay nasa anim na ang pormal na nagsampa ng kaso laban sa suspek.
Napag-alaman na dati nang naaresto ang suspek sa patong patong na kaso ng estafa pero nakapagpiyansa .
- 8 pang bayan sa Batangas, inilagay sa areas of concern dahil sa umiinit na away-pulitika - May 11, 2025
- Anak ng guro na pinatay habang pinoprotektahan ang balota box noon ’95 Elections, umapela sa mga botante na pahalagan ang boto - May 11, 2025
- 2 kandidatong mayor, 1 para sa kongresista sa Laguna, pinagpapaliwanag ng Comelec sa kaugnayan sa pekeng Comelec, NBI - May 10, 2025