Alfiler is now the acting mayor of Lobo – DILG Calabarzon

Si Geronimo Alfiler habang nanunumpa bilang acting mayor ng Lobo, Batangas. Larawan mula sa Lobo PIO

BATANGAS –  Ilang araw bago ang halalan, balik sa pagiging mayor ng Lobo, Batangas si incumbent vice mayor Geronimo Alfiler .

Ito ay matapos na magpalabas ng anim na buwang suspension order ang Ombudsman laban kay Mayor Loto Manalo na  noong April 24 ay naibalik ng DILG sa pwesto matapos na iutos ng Court of Appeals na nagresulta para bumalik sa pagiging vice mayor si Alfiler,

Pero sa panayam sa telepono kay DILG Calabarzon Regional Director Ariel Iglesia , sinabi niya na si Alfiler na muli ang kinikilang acting mayor ng Lobo matapos isilbi ng Ombudsman kay Manalo ang suspensin order.

Nanumpa na rin  si Alfiler  bilang acting mayor matapos na matanggap ang order ng Ombudsman.

“we need to abide the order of Ombudsman” sabi ng DILG Regional Direcrtor sa panayam sa telepono.

Ang panibagong suspension kay Manalo ay nag-usap sa kasong isinampa ng isang  Victor Ramos.

Ayon kay Manalo si Ramos ay kaalyado ng kaniyang kalaban.

Sa kabila ng suspension order na inihain ng Ombudsman, nanindigan si Manalo na hindi siya kinikilala ang order, mananatili pa rin  na siya ang mayor ng Lobo.

Para sa kampo ni Manalo, kwestyonable ang naging kautusan ng Ombudsman.

Batay umano sa Comelec resolution 11059  na inilabas noong nakaraang taon mula January  11 hanggang June 11,2025 ay hindi maaaring magsuspinde ng elective official maliban lamang kung may nauna nang written approval ang Comelec.

“wala pong inilalabas na kautusan ang Department of Interior and Local Government at Comelec na nag-uutos ng pagbaba sa puwesto ni Manalo bilang alcalde” sabi ni Atty. Julius Henry Baldez, legal counsel ni Manalo.

Nagbanta ang kampo ni Manalo na kakasuhan nila si Alfiler ng  usurpation of authority sa ginawa umano nitong umano’y iligal na panunumpa at pagtakeover sa munisipyo.

Pero para sa DILG, malinaw na si Alfiler na ang acting mayor ng Lobo .

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *