CALAMBA CITY, Laguna – Dead on the spot ang isang ahente matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Sampaguita St., Barangay Uno sa lungsod na ito noong Martes ng hapon.
Ayon sa report ng Calamba City Police, ang biktima ay nakilalang si Efraim Pascual na residente ng Purok 8, Barangay Uno.
Nangyari ang krimen bandang 3:45 ng hapon noong Martes.

Minanamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang biglang pagbabarili ng mga hindi nakilalang suspek na sakay din ng motorsiklo.
Nakasuot umano ang driver ng puti na helmet, pink na jacket at itim na shorts ang mga suspek na sakay ng kulay itim na motorsiklo habang ang back rider ay suot ang itim na jacket, itim na helmet at itim na pantalon.
Inaalam pa ang motibo sa krimen habang patuloy pa ang imbestigasyon at pangangalap ng mga CCTV footage.
Patay ang isang lalaki matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Brgy. Uno, Calamba City, Laguna

- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025
- Passenger Ship and Fishing Vessel Collide Near Lucena City Pier - July 7, 2025