RIZAL PROVINCE – Isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa tatlong suspek sa buy-bust operation na isinagawa ng pinagsamang pwersa ng Taytay Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Rizal.
Arestado sa nasabing operasyon ang taxi driver na si Alyas Bibidu kasama ang isang delivery rider at isang traysikel drayber.
Bandang ala-una ng madaling araw ng isagawa ang operasyon sa San Lorenzo Ruiz Phasec1 sa Barangay San Juan sa bayan ng Taytay kung saan ang target ay ang high value individual na si Alyas Bibidu.
Ang dalawa naman na naareasto ay mga bumibili ng shabu kay Alyas Bibidu.
Nakumpiska sa mga suspek ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nasa 1 million pesos ang halaga.
Bukod sa illegal na droga nakumpiska rin ng mga otoridad ang isang caliber .22 revolver.
Nakakulong na ang mga suspek sa Fishport Custodial Facility ng Taytay Municipal Police Station.
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025
- Passenger Ship and Fishing Vessel Collide Near Lucena City Pier - July 7, 2025