Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City

Ang suspek ay kinilala lamang sa Alyas na Acmad na residente ng Barangay Datu Esmael . Larawan mula sa PDEA Calabarzon.

CAVITE – Higit 4 na milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng PDEA  sa  isang traysikel drayber na itinuturing ng mga otoridad na high value drug personality  sa isinagawang buy bust operation sa Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite.

Ang suspek ay kinilala lamang sa Alyas na  Acmad na residente ng Barangay Datu Esmael ay naaresto bandang 1:55 ng hapon nitong Martes.

Nakumpiska sa kaniya ang higit kumulang  600 gramo ng hinihinalang shabu sa magkakasamang operasyon na isinagawa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1, PDEA Laguna at PNP Cavite Maritime Police Station.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *