OCCIDENTAL MINDORO – Mas pinalakas pa ng nangungunang radio station na Care FM Network sa Occidental Mindoro ang kanilang mga programa.
Simula bukas, mga bagong programa na ang maririnig upang mas lalo pang makapaghatid ng mga tamang impormasyon, napapanahong mga balita at serbisyo publiko.
Simula bukas ng umaga,Lunes hanggang Biyernes, pagsapit ng 5:00 ng umaga ,unang babati sa inyo si Rey Anthony Opiaza sa “Ariba Umaga ” hanggang 6:00 ng umaga.
Si Mark Delos Reyes naman ang inyong makakasama sa balitaan pagsapit ng 6:15am hanggang 7:00 am sa “Markado Mindoro”.
Si Karlo Magno Caracas naman ang maghahatid ng maiinit na balita, panayam at talakayan pagpatak ng alas-12:00 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon sa “TUTOK ALERTO MINDORO”.
Itotodo na rin ang saya sa “ALL OUR CARE TAMBAYAN with Mars Sy” sa 3:30 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon.
Tanawan, kasiyahan, kulitan naman ang hatid nina DJ Mellow at Yuzo Raketero sa “GOOD VIBES”.
Subaybayan din ang “Melodies of the Heart” kasama si Sweet Princess.
Mapakikinggan ang Care FM sa 102.5 sa San Jose, 102.3 Mamburao at 87.5 Sablayan.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025