Mga PDLs, nagsagawa ng Santa Cruzan sa Puerto Princesa City Jail

SANTA CRUZAN SA PIITAN: Hindi nagpaawat ang mga PDLs sa Puerto Princesa City Jail sa trasisyon na Flores De Mayo. Larawan mula kay JO3 JOEFRIE ANGLO.

PALAWAN -Tuwing magtatapos ang buwan ng Mayo, hindi mawawala ang kabi-kabilang   Santa Cruzan na bahagi ng pagdiriwang ng pagtatapos ng Flores De Mayo

Isa itong tradisyon ng mga Katoliko na ginagawa sa iba-ibang bahagi ng bansa bilang debosyon kay Blessed Virgin Mary.

Pero sa Palawan kakaiba ang pagdiriwang ng Santa Cruzan dahil mismong sa loob ng Puerto Princesa City Jail ito idinaos.

Mga persons deprived of liberty (PDLs) ang gumanap na Reyna Elena, Reyna Emperatiz at mga escort na  talagang pinaghandaan din ang kanilang mga isinuot kasama na ang mga naggagandahang mga arko.

Sa kabila ng limitadon espasyon sa  City Jail, naging makulay pa rin ang selebrasyon ng pananampalataya at pagbabago ang  isinagawa ng mga PDLs sa kanilang sarilibng bersyon ng Santa Cruzan.

Ayon kay JO3 Joefrie Anglo, regional information officer ng BJMP Mimaropa, ang aktibidad ay hindi lamang isang pampasiglang palabas kungdi isang patunay ng kahalagahan ng rehabilitasyon at muling pagbabalik-loob sa Diyos bilang bahagi ng proseso ng pagbabago.

Dagdag ni Anglo, isa itong paraan ng BJMP ng  pagsusulong ng mga programa na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga PDLs at magbigay ng pagkakataon para sa kanilang muling pagbabalik sa malayang lipunan.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *