Grand Santa Cruzan, tampok sa Pandang Gitab, Festival of Lights sa Oriental Mindoro

Agaw -atensyon ang arko ng Holy Infant Academy sa Grand Santa Cruzan sa Oriental Mindoro dahil mistula itong simbahan. Larawan mula sa Provincial Tourism Office.

CALAPAN CITY – 32 naglalakihan at magagarbong mga arko na may iba-ibang disensyo ang bumida naman sa Grand Sannta Cruzan na bahagi ng Pandang Gitab o festival of lights sa Oriental Mindoro.

Inorganisa ng pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro at provincial tourism office  at ng Sto. Niño Cathedral Parish ang Grand Santa Cruzan bilang isa sa selebrasyon ng pagtatapos ng Flores De Mayo.

Hindi lang nasulyapan ang maliwanag na gabi sa Oriental Mindoro kungdi ang isa itong tradisyon ng pananampalataya at pagdiriwang ng mayamang kulutura ng lalawigan.

Gawa ang mga naglalakihang arko sa mga bulaklak at mga katutubong produkto ng iba-ibang bayan sa Oriental Mindoro.

Isa sa pinaka-engrande ang arko ay ang sa Holy Infant Academy na mistulang isang simbahan.

Ayon kay Dhon Calda, provincial tourism officer, layunin ng Pandang Gitab na maisulong pa ang turismo ng Oriental Mindoro at maipakilala ang kultura at tradisyon ng lalawigan.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *