LAGUNA – Kinumpirma ng Laguna Provincial Health Office na may dalawang aktibong kaso ng mpox ang naitala sa lalawigan.
Sinabi ni Dr. Odie Inoncillo, Chief ng Laguna Provincial Health Office na ang isa sa mga tinamaan ng sakit na mpox ay nananatiling inoobserbahan sa isang ospital sa labas ng probinsya at ang isa naman ay naka-home quarantine.
Wala umanong travel history abroad ang dalawa.
Ayon sa monitoring ng Laguna provincial surveillance unit, mula Enero hanggang Mayo 20205 ay apat na ang naitalang kumpirmadong kaso ng mpox sa Laguna pero magaling na ang dalawa.
Nagnegatibo na rin sa mpox base sa isinagawang laboratory testing sa RITM ang 16 na iba pang unang naitalang suspected cases.
Paglilinaw ni Dr. Inocinllo, walang dapat ikaalarma ang mga taga-Laguna at hindi rin kinakailangan magpatupad ng mandatory na pagsusuot ng facemasks.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025