PHP 500K halaga ng shabu, nasabat sa Batangas Port, 1 arestado

Patungo sana sa Bansud, Oriental Mindoro ang lalaki nang masabat sa Batanagas Port. Larawan mula sa PDEA Calabarzon.

BATANGAS CITY –  Nasabat ng magkakasanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Calabarzon, Batangas Seaport Interdiction Unit, PPA PMO, Port Police Division, Philippine Coast Guard at PNP Maritime ang 75 gramo ng hinihinalang shabu na nasa kalahating milyong piso ang halaga.

Nakilala ang naarestong suspek na si Alyas Edmar, 30 anyos na residente ng Barangay Corazon, Bansud, Oriental Mindoro.

Naaresto siya habang nagsasagawa ng inspeksyon ang mga otoridad sa mga sumasakay sa barko.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *