1 patay, 17 sugatan sa pagbaligtas ng jeep sa Pagbilao, Quezon

Nawalan umano ng preno ang jeep at bumangga sa concrete barrier. Larawan mula sa Pagbilao MDRRMO.

PAGBILAO, Quezon – Isang  ang nasawi habang 17 ang sugatan  sa pagbaligtad ng isang jeep sa Sitio Upper Sapinit,  Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon, Martes ng tanghali, ayon sa report ng Municipal  Disaster Risk Reduction and Management Office.

   Sa report ng Pagbilao Municipal Police Station ang nasawi ay isang 72 anyos na lol ana residente ng Barangay San Roque, Sto. Tomas City, Batangas.

Habang sugatan din ang isang 35 anyos na ginang at kaniyang  9 na anyos na anak na babae.

Minamaneho ng isang Alyas Gerardo ang jeep na nawalan umano ng preno dahilan para mawalan ng control at bumangga sa mga concrete barrier hanggang sa bumaligtad.

Tumilapon palabas ng jeep ang ang lola dahilan para masawi.

Magkakamag-anak umano ang mga sakay ng jeep na galing sa beach sa Tagkawayan, Quezon.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *