JoyRide, nakikipagtulungan sa mga awtoridad para mahanap ang nawawalang drayber

Sa Valenzuela City na natagpuan ang kotse ng TNVS dryaber na si Raymond Cabrera, dalawang araw matapos iulat siyang nawawala nang maghatid ng pasahero sa Bacoor City ,Cavite mula sa isang casino hotel sa Parañaque City.

MANILA – Sinabi ng Transport Network Company na Joy Ride na sila ay nakikipagtulungan sa mga otoridad sa kaso ng isa nilang Transport Network Vehicle Service o TNVS drayber na iniulat na nawawala pa simula noong May 18,2025 matapos maghatid ng pasahero sa Bacoor, Cavite.

Sa pahayag na ipinadala ng Joy Ride sa ABS CBN News, kanilang sinabi na taos-puso silang nakikiisa para sa kapakanan ng lahat ng kanilang partners, draybers at mga pasahero.

“JoyRide has promptly provided all relevant information related to the booking in question to the appropriate law enforcement authorities”  bahagi ng pahayag ng Joy Ride.

“We fully support the ongoing investigation and stand ready to cooperate further to ensure a swift and just resolution.” Dagdag pa na pahayag.

Umaasa ang nasabing TNC na agad na mareresolba ang nasabing kaso at muli nilang tinitiyak na ang safety ng kanilang community ang kanilang top priority .

Hawak na ng NBI ang kaso ng pagkawala ng TNVS drayber na si Raymond Cabrera na nawala matapos magsakay ng pasahero sa isang casino hotel sa may Paranaque City noong madaling araw ng May 18.

Makalipas ang dalawang araw, natagpuan ang kaniyang kotse na may bahid ng dugo   habang nakaparada sa harap ng isang convenience store sa Malanday, Valenzuela City.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *