CAVITE – Hindi na natapos ang pag-awi ng Lupang Hinirang sa flag raising ceremony sa barangay hall ng Barangay Salitran III sa Dasmariñas City, Cavite, Lunes ng umaga.
Sa larawan na kuha habang umaawit ng pambansang awit ang mga barangay official at empleyado ng barangay, isang lalaki na nakasuot din ng uniporme ang makikitang lumapit sa likod ng barangay chairman .
Itinutok ang dalang baril sa likurang bahagi ng ulo ng kapitan ng barangay kasunod ang pagputok ng baril at pagkakagulo.
Bumulagta ang kapitan ng barangay at ang isag kagawad.
Nakatakbo pa sa loob ng barangay hall ang isa pang kagawad pero nadapa ito at binaril din ng suspek.
Naitakbo pa sa ospital ang mga biktima pero binawian din ng buhay.
Sugatan din ang isang babaeng barangay secretary ng Sangguniang Kabataan.
Ang suspek ay nakilalang isang barangay tanod ng mismong barangay na 50 taong gulang.
“noong itataas na po ang flag tutugtugin na yung national anthem natin,bigla pong sumulpot ang suspek from behind ,dire-diretso po siya sa target which is the barangay chairman of Salitran 3” sabi ni PLTCOL. Regino Oñate, hepe ng Dasmariñas City Police.
Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo pero hinabol siya ng mga rumespondeng pulis.
Pagdating sa bahay ng suspek ay dito na siya nagbaril sa dibdib.
Itinakbo pa sya sa ospital pero dead on arrival na.
Matinding galit umano ang motibo ng suspek para gawin ang krimen.
Hindi umano matanggap ng suspek na dahil siya ay nagkasakit ay hindi na siya pinagduty ng barangay chairman bilang tanod.
“He has a diabetes ,nag-undergoing treatment din po siya dahil hindi po siya makapagtrabaho ng maayos pinagpahinga muna po siya ng chairman po natin , sa government no work no pay parang minasama po ng tao ,ng suspek natin” sabi pa ni hepe.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng barangay.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025