Van sumalpok sa concrete barrier sa Tayabas City matapos masilaw sa ilaw ng kasalubong , 7 sugatan

Nasilaw umano ang 70 anyos na drayber ng van dahil sa malakas na ilaw ng kasalubong na sasakyan kaya nawalan siya ng kontrol at bumangga sa mga concrete barrier. Larawan mula sa Tayabas CDRRMO.

TAYABAS CITY, Quezon – Pito ang sugatan matapos na bumangga sa mga concrete barriers ang sinasakyan nilang van  sa Bypass Road, Barangay Baguio, Tayabas City, Quezon, Linggo ng madaling araw.

  Isinugod ng mga rescue team ng Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Office  ang mga biktima sa Tayabas Community Hospital.

Tulong-tulong ang mga rescue team sa pagsaklolo sa mga nasugatang pasahero ng isang van na sumalpok sa mga concrete barriers sa Tayabas City, Quezon, Linggo ng madaling araw. Larawan mula sa Tayabas CDRRMO.

Karamihan sa mga biktima ay taga Valenzuela, Caloocan, Mandaluyong at San Jose Del Monte City, Bulacan na may edad na 17 anyos hanggang 74 anyos.

Hindi naman nasaktan ang drayber ng van na 70 anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang 3:19 ng umaga habang binabagtas ng van ang bypass road rotunda intersection nang makasalubong nito ang isang sasakyan na may malakas na  ilaw na naging dahilan para masilaw siya at hindi makita ang daan kaya bumangga siya sa mga concrete barrier.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *