CAVITE – Isang 49 na taong gulang na Transport Network Vehicle Service o TNVS drayber ang nawawala simula pa noong Linggo ng madaling araw ,May 18,2025 ang natagpuan ang kaniyang ipinapasadang sasakyan sa Valenzuela City.
Ayon kay Alyas May, base sa record na ibinigay ng Transport Network Vehicle o TNC, bandang ala una ng madaling araw noong Linggo nang nagpick up ng pasahero ang kaniyang asawang si Raymond Cabrera.
Ibinaba umano ang pasahero sa isang subdivision sa Molino sa Bacoor, Cavite.
Matapos umano maihatid ang pasahero ay dapat uuwi na ang biktima sa kanilang bahay sa Imus City pero hindi na ito nakarating.
““tinatawagan ko lahat ng mobile contact nya out of coverage na po pati yung messenger niya ring lang nang ring ,hindi nasagot, so kinabahan na ako” sabi ni Alyas May.
Nagreport na sa Tambo Police Sub-Station ng Paranaque City Police ang anak ng biktima pero nahihirapan umano makakuha ng impormasyon ang mga otoridad sa TNC na makakatulong sana sa imbestigasyon.
“Wala silang binibigay sa akin na malinaw kung sino yung passenger, saka yung cellphone number ,saka gps tracking ng kanilang apps” himotok ni Alyas May.
Noong Martes, natagpuan ang kotse ng biktima na nakaparada sa harap ng isang convenience store sa Malanday, Valenzuela City.
Mabaho na umano ang loob ng sasakyan at may bahid ng dugo sa passenger seat.
““Hindi na ako nakatulog ,hindi na ako nakakain ,mahirap tanggapin na wala siya pero hoping ako na buhay ang asawa ko na makakauwi sya sa akin kasi yung mga anak ko naghihintay din sa kaniya” sabi ni Alyas May.
Noong Linggo pa umano nakaparada ang naturang kotse sa harap ng convenience store.
“Kung sinuman po may gawa nito sa asawa ko ,maawa naman po kayo, sabihin nyo po sa akin kung saan nyo po dinala ang asawa ko,kung buhay po siya please lang huwag po niya saktan , kung ano po ginawa nyo sa kaniya masama ,sabihin nyo na lang po sa akin kung saan siya matatagpuan para maasikaso ko siya ng maayos” nagsusumamong pahayag ni Alyas May.
Humingi na rin ng tulong sa NBI ang pamilya ng biktima.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025