ROMBLON – Natagpuan na ang bangkay ng isang pasahero ng barko ng 2Go Shipping Lines na nauna nang iniulat na nawawala.
Ayon sa Coast Guard Sub Station- Concepcion , natagpuan ng isang mangingisda ang palutang-lutang na bangkay ng biktimang si Bayani Gonzales, 77 taong gulang.
Nakita ang bankgay niya sa pagitan ng Romblon at Oriental Mindoro.
Una nang nanawagan sa publiko ang Coast Guard Station -Romblon matapos ireport sa kanila ang pagkawala ni Gonzaels habang sakay ng naglalayag na baerkong MV St. Ignatius Loyola sa may bisinidad ng bayan ng Concepcion.
Hindi pa malinaw ang detalye kung papaano Nawala ang biktima habang sakay ng barko at kung sino ang kaniyang mga kasama.
Nasa isang punerarya na sa Oriental Mindoro ang labi ng biktima.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025