Kapilya ng Iglesia Ni Cristo, hinagisan ng pampasabog sa Mauban, Quezon

Napinsala ang mga upuan sa loob ng Kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa Mauban, Quezon matapos magkaroon ng sunog nang hagisan ng isang lalaki ng pampasabog. Larawan mula sa CALABARZON PNP

MAUBAN, Quezon – Arestado ng mga pulis ang isang 49 na taong gulang na construction worker matapos tangkaing sunugin ang simbahan ng Iglesian Ni Cristo na kaniyang hinagisan  ng improvided explosive device  sa Barangay Soledad, Mauban, Quezon, nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay PMaj.  Arjon Oxina, acting chief of Police ng Mauban Municipal Police Station, bigla na lamang umanong sumugod sa INC church ang suspek bitbit ang tatlong bote ng  Molotov cocktail.

Sinubukan  poa siyang pigilan ng mga miyembro ng simbahan pero hindi nila kinaya ang suspek.

Sinira umano ng suspek ang bintanang jalousie ng simbahan at doon inihagis ang pampasabog na lumikha ng apoy sa loob ng simbahan.

Mabilis naman napatay ng mga miyembro ng INC ang apoy an lumikha ng pinsala na tinatayang nasa 50,000 pesos ang halaga.

Bago tumakas ang suspek, nagbanta pa ito na babalik at muling susunugin ang simbahan.

Makalipas ang isang oras, naaresto ng mga pulis sa follow up operation ang suspek sa sa Barangay  Sadsaran.

Ayon kay Maj. Oxina, sa kanilang interogasyon sa suspek, wala itong maibigay na motibo sa  tangkang pagsunog sa simbahan ng INC.

“Bigla na lang daw niya naisip ,hindi naman siya lasing but sa interview namin sa kaniya , ano siya sir ,gumagamit siya ng illegal drugs “ sabi ni Maj. Oxina.

Nag-iimbestiga pa ang mga pulis para matukoy kung may iba pang motibo ang suspek.

Kinasuhan na rin ang suspek ng arson pero inaalam pa kung ano pa ang iba pang kaso na pwedeng isampa laban sa kaniya.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *