GUMACA, Quezon – Nakaligtas ang mga pasahero ng isang bus na biyaheng Bicol matapos masunog habang binabagtas ang Diversion Road sa Barangay Progreso, Gumaca, Quezon, Linggo ng tanghali.
Sa report ng Gumaca Municipal Police Station, 12:30 ng tanghali nang magliyab ang bus .
Agad na pinababa ang mga pasahero ng Raymond Trans pero hindi na nailigtas ang mga gamit dahil sa mabilis na paglaki ng apoy.
Ayon sa imbestigasyon ng BFP Gumaca, habang paakyat ang bus sa matarik na daan ay biglang huminto ang bus dahil sa posibleng overheating ng makina na nagresulta sa pagkakaroon ng apoy.
Naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog bandang 12:58 ng tanghali.
Wala naman nasaktan sa mga sakay ng bus.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025