Sunog sumiklab sa warehouse ng mga cable ng Telco sa Tuy, Batangas

Malaking sunog ang sumiklab sa warehouse ng mga cable sa Brgy. Guinhawa, Tuy, Batangas. Screengrab mula kay Dindo Caraig.

TUY, Batangas – Nilalamon ng napakalaking apoy ang warehouse ng mga cable ng telephone company sa Barangay. Guinhawa, Tuy, Batangas.

Ayon sa Tuy Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, bandang 11:00 ng umaga nang matanggap nila ang tawag sa sunog.

Nagulantang ang mga residente sa dambuhalang napakaitim na usok kasunod ang malaking apoy.

Rumesponde ang mga bumbero sa mga bayan sa halos buong 1st district ng Batangas gayundin ang bumbero mula sa Tagaytay City.

Itinaas sa 4th alarm ang sunog, ayon kay Batangas Provincial Fire Marshall Sr.Supt. Dennis Molo.

Hindi pa mabatid ang pinagmulan ng apoy.

Inaalam pa rin kung may nadamay na mga bahay.

Bandang 2:43 ng hapon, idineklarang under control ang sunog.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *