BATANGAS – Si Jinky Luistro pa rin ang mananatiling kinatawan ng second district ng Batangas matapos na talunin ang dating kongresista na si Raneo Abu.
Naiproklama na si Rep. Luistro para sa kaniyang ikalawang termino matapos makakuha ng boto na 109, 478 laban kay Abu na may boto lamang na 66,583.
“ my victory today is a testament to whay I did during my last term ,rest assured lalo ko pong sisipagan, lalo ko po gagalingan , I’m truly grateful with the trust and opportunity that you continue to give me “ sabi ni Luistro.
Nakilala si Luistro sa matapang niyang pagtatanong sa imbestigasyon ng Quad Committee ng House of Representatives na nag-iimbestiga sa extra judicial killings, war on drugs at POGO operations ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinanggap na ni Abu ang pagkatalo kay Luistro.
Pero may hamon siya kay Luistro.
“tama na yung ginagawa mo panggigipit sa mga kakampi ko sa pulitika, iaabot mo ang kamay ng reconciliation kung gusto mo magkaroon tayo ng katahimikan ,kapayapaan dito , nasasaiyo, ikaw ang manguna, ikaw ang ina ng segunda distrito” sabi ni Abu.
Binubuo ang second district ng mga bayan ng Lobo, San Pascual, Bauan, San Luis, Mabini at Tingloy.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025