LAGUNA – Nanalo na ang dating mamamahayag at kongresista na si Sol Aragones bilang gobernadora ng Laguna sa kaniyang ikalawang pagsubok na pagtakbo.
Tinalo ni Aragones ang dalawang incumbent congressman at vice governor na kaniyang matinding nakatunggali.
Ipinorklama na kanina ng provincial board of canvassers si Aragones matapos makakuha ng 635 570 boto.
Pumangalawa lamang sa kaniya si 2nd district Rep. Ruth Hernandez at asawa ni incumbent Gov. Ramil Hernandez na may botong natanggap na 548,286 votes.
Pangatlo lamang si Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez ay may boto lamang na 285,373 at pang apat si incumbent vice governor Karen Agapay na may boto lamang na 114,758.
Lunes pa ng gabi ay tinanggap n ani Fernandez ang pagkatalo kasabay ang pagbati kay Aragones.
Ayon kay Aragones, tutukan agad niya ang health servicec program ng Laguna kung saan ay aayusin niya ay magtatayo siay ng libreng botika sa bawat bayan at lungsod, aayusin niya ang serbisyo ng mga public hospitals.
“Napakalaking impluwensya ng pagiging health reporter ko sa ABS CBN sa loob ng seven years para makita ko ang pangangailangan pangkalusugan ,Nakita ko ang mahihirap na namamatay ng walang kalaban-laban.” Sabi ni Aragones.
“Ipagbabawal natin ang matataray sa mga ospital ,hindi lang sa ospital kundi sa mga opisina ng gobyerno “ sabi pa niya.
Isusulong din ni Aragones ang scholarship program at ang turismo na makalikha ng maraming trabaho.
Nagsilbing kinatawan si Aragones ng third district ng Laguna mula 2013 hanggang 2016.
Tumakbo siyang governor noong 2022 pero natalo siya kay Gov. Ramil Hernandez.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025