Vilma, balik sa Batangas Capitol, anak na si Luis Manzano, pinataob ni Mandanas

Sina Luiz Manzano, Governor-elect Vilma Santos- Recto at Congressman - elect Ryan Christian Recto

BATANGAS – Balik sa kapitolyo ng Batangas si  Vilma Santos- Recto matapos na siya ang manalo na gobernador  pero ang kaniyang anak at katandem na si Lucky Manzano ay hindi sinuwerte na manalo  na bise gobernador.

Nakatanggap si Santos-Recto ng botong 655,034  habang  pumangalawa lamang ang dating mayor ng Padre Garcia na  Mike rivera na may botong nakuha lamang   532,531 , pangatlo si Mataasnakahoy Vice Mayor  Jay Ilagan sa botong  272, 677 at panghuli si Brgy. Chairman Walter Ozaeta na may botong 95,946 lamang.

Hindi nakadalo si Santos-Recto sa kaniyang proklamasyon dahilan para basahin na lamang ni provincial board of canvasser chairperson Atty. Jonalyn Sabellano ang  official proclamation.

Paliwanag ni Sec. Ralph Recto, masama ang pakiramdam ng kaniyang asawa.

“nagpapahinga, nabinat,  she was happy that she won naturally  , of course sad as well  that Lucky did not make it “ sabi ni Sec. Recto.

Nanalo naman ang bunsong anak nina Sec. Recto at Vilma na si Ryan Christian Recto  bilang kinatawan ng 6th district ng Batangas na sumasakop sa Lipa City.

92,823 votes ang natanggap ng batang Recto laban kina Bernadette Sabili na may nakuha lamang na 72,976 votes habang sina  Atty. Mar Panganiban nay may botong  20,872 at si Rodel Lacorte ay  15,398 votes lamang.

“to those whote voted for me and to those who didn’t vote for me , Im looking forward to serving both “ sabi ni Congressman -elect Recto.

Si incumbent Governor Hermilando Mandanas naman ang  naiproklama ng bise gobernador ng Batangas matapos talunin ang anak ni Santos-Recto at TV host na si Lucky Manzano at ang Mayor ng bayan ng Bauan na si Ryanh Dolor.

821, 380 ang nakuhang boto ni Mandanas habang  565 ,077 boto ang kay Manzano o 256, 303 boto na diperensya.  127, 036 boto naman ang natanggap ni Dolor.

Panalo naman ang asawa ni Dolor na si Wendha  na mayor ng Bauan.

Ayon kay Mandanas,  hindi na siya nasorpresa na siya ang pinili ng mga Batangueno laban sa isang TV host.

“ako naman ay tagarito at kilala ko ang ating mga kababayan  kaya hindi surpresa, ang totoo yun ang ating inaasahan “ sabi ni Mandanas.

Umaasa si Mandanas na magkakasundo sila ni Vilma sa mga programa para sa Batangas.

“Wala ako nakikita na hindi pagsasamahan  na ayon sa ating tunay na hangarin na mapaglingkuran ang ating  kapwa sa tulong at awa ng ating Panginoon”

Pinasalamantan din ni Mandanas si  Manzano dahil naipakita nito ang  tunay na kultura ,kagitingan at bukas sa pananaw ng mga taga-Batangas.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *