QUEZON PROVINCE – Si Helen Tan pa rin ang mamumuno sa Quezon Province kasunod ng pagkakaproklama sa kanya na nanalong gobernadora muli kasunod ng natanggap na higit 900,000 boto.
Martes ng hapon nang iproklama ni Atty. Anamei Barbacena, acting provincial election supervisor si Tan bilang nanalo muling gobernadora sa nagdaang halalan.
Ito na ang ikalawang termino ni Tan na unang nahalal noong 2022 at tinanghal na kauna-unahanng babaeng gobernadora ng Quezon.
Kasama rin nagwagi ang anak niya na si 4th District Rep. Mike Tan para sa ikalawang termino habang panalo rin board member sa 2nd district ang anak niya na si Dr. Kim Tan.
Ayon kay Gov. Tan na isang doctor sa propesyon , sa kaniyang ikalawang termino ay mas papalakasin pa niya ang programa sa kalusugan.
Isa sa tututukan ay ang patuloy na pagsasaayos ng Quezon Medical Center gaya ng mga equipment at facilities para maging accessible sa mga tao.
Papalawakin pa ang Kalinga ng Kapitolyo na isang programa kung saan ang mga serbisyo sa kapitolyo ay dadalhin na sa bawat barangay.
“Dati sa center lang ng town-town lang kami pumupunta for mga sevices ng mga capitol , we have started already in January , we have satellite offices in all municipalities ,these offices together with our like agriculture , veterinarian ,social services office , pupunta na ng barangay “ sabi ni Gov. Tan.
Tututukan din ng gobernadora ang programa sa edukasyon sa Quezon Province.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025