11 kabilang ang mga bata nailigtas sa tumaob na bangka sa San Fernando, Sibuyan Island, Romblon

Sumaklolo agad ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Stations Cajidiocan at Magdiwang nang mamataan nila ang paglubog ng bangka. Larawan mula sa Coast Guard Station -Romblon

SIBUYAN ISLAND, Romblon – Labing-isa katao kabilang na ang anim na mga bata ang nailigtas matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa dagat na sakop ng Barangay España sa bayan ng San Fernando.

Nagpapahinga ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Cajidiocan at Sub-Station Magdiwang matapos na magbigay ng seguridad sa Bancarera Festival nang mamataan nila ang motorbanca na lumubog na may layong 15 metro mula sa dalampasigan.

Galing sa panonood ng Bancarera ang mga sakay ng motorbanca na lumubog. Larawan mula sa Coast Guard Station -Romblon

Mabilis na naglunsad ng search and rescue operations ang mga tauhan ng coast guard at nasagip ang lahat ng sakay.

Ayon sa mga nakaligtas, matapos nilang manood ng Bancarera ay nagdesisyon na silang umuwi sa Sitio Olango pero bigla umanong nawalan ng panimbang ang bangka na nagresulta sa pagtaob nito.

11 ang nasagip kabilang ang 6 na bata sa paglubog ng motorbanca sa San Fernando, Romblon. Larawan mula sa Coast Guard Station -Romblon.

Wala naman nasaktan sa mga sakay ng bangka.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *