MANILA – Walang kasing sakit ang pagsigaw ng pighati ng isang ama sa malagim na sinapit ng nag-iisang anak na apat na taong gulang na babae sa aksidente sa NAIA Terminal 1 kaninang umaga.
“Anak ko yan!” paulit-ulit na sigaw ni Mark Masongsong habang umiiyak at pinapakalma ng mga pulis at guwardiya sa paliparan.
Ang anak ni Mark na Maliya Masongsong ang isa sa dalawang nasawi sa aksidente.
Halos hindi na makilala ang bata sa tindi ng sinapit sa aksidente.
Ilang minuto lamang bago ang aksidente, mahigpit na yakap ,halik at pamamalaam ang ginawa ni Mark sa kaniyang nag-iisang anak bago siya tuluyang pumasok sa airport para bumalik sa ibang bansa para magtrabaho.
Sabi ni Randy Balog na kamag-anak ng mga biktima, tatlong linggo lamang nagbakasyon ang ama ng bata at ito ang pinakamatagal na nilang pagsasama.
““Yung bata ngayon pa lamang nakasama ng tatay
Bago siya sumakay maliit pa yung bata, wala pang malay eh ngayon nangyari sa hindi inaasahan pangyayari ay talagang napakahirap tanggapin” sabi ni Randy Balog.
Kritikal pa rin ang kalagayan ng ina ng bata na si Cynthia na mula sa San Juan De Dios Hospital ay inilipat ng St. Lukes Medical Center.
Sugatan din ang 61 taong gulang na anak ni Mark na si Editha at ang kaniyang pitong taong gulang na pamangking babae.
Pauwi na sana sa Lipa City ,Batangas ang mga biktima matapos maihatid si Mark pero habang hinihintay ang kanilang sasakyang sasakyan ay doon sila nasagasaan ng SUV na minamaneho ng isang Leo Gonzales.
Naghatid lamang din ng pasahero sa airport si Gonzales na residente ng Brgy. Tayuman, Lobo, Batangas.
““May buhay pa siyang inutang , pananagutan niya yun
Grabe ang ginawa niya, nakapinsala sa pamilya namin” sabi pa ni Balog.
Hindi na nakaalis ng bansa si Mark upang asikasuhin ang burol ng anak at ang asawang nasa kritikal na kalagayan.
- Gov. Dolor: legal ang dredging at kailangan para matapos ang problema sa baha sa Oriental Mindoro - June 21, 2025
- Mag-asawa na sangkot sa Php 5-B investment scam sa Batangas, arestado sa Occidental Mindoro - June 15, 2025
- Bahay ng pulis sa San Jose, Occidental Mindoro,nasunog; 2 aso, nasawi - June 13, 2025