MANILA – Patong-patong na reklamo ang inihain ng isang hindi nagpakilalang complainant o anonymous complaint sa Ombudsman laban kay Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky” Luistro kabilang na ang pamimili ng boto.
Sa reklamo, hinihiniling na imbestigahan kaagad si Luistro dahil sa mga reklamo ng graft, vote-buying , pre-mature campaigning, at misuse of government funds.
Sinasamantala umano ni Luistro ang mga government assistance programs gaya ng Assistance to Individuals In Crisis Situations o AICS, Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantageous/ Displaced Workers o TUPAD at mga national scholarships upang isulong ang kaniyang political ambition sa 2025.
Batay pa sa reklamo sa iba-iba umanong pagkakataon habang namimigay ng mga nasabing ayuda ay nakabalandra ang mga tarpaulin na may pangalan at pagmumukha ni Luistro.
Ginawa umano ito ni Luistro sa loob ng campaign period na mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec at DSWD.
Dokumentado umano ang lahat na ito ng mga verified social media accounts na konektado sa official facebook page ni Luistro.
Kabilang pa sa nilabag umano ni Luistro ay ang RA 3019 o graft and corrupt practices act at RA 6713 o code of conduct and ethical standards for public officials.
Kumakandidato si Luistro para sa ikalawang termino bilang kongresista ng 2nd district ng Batangas.
Wala pang pahayag si Luistro sa mga reklamong isinampa sa kaniya sa Ombudsman.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025