Gov. Gadiano, natanggap na ang sulat ng DENR, DILG sa reklamo sa dredging

Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano / file photo

MAMBURAO, Occidental Mindoro –  Natanggap na ng tanggapan ng Provincial Government ng Occidental Mindoro ang sulat ng Department of Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA Region at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Mines and Geosciences Bureau (MGB) MIMAROPA Region  hinggil sa  inirereklamong dredging operations sa Pagbahan river sa Barangay Talabaan sa bayan ng Mamburao.

Pinapakilos ng mga nasabing  kagawaran si Gov. Eduardo Gadiano sa nasabing reklamo na ipinadala sa Citizens Complaint  Hotline 8888 ng Malacanang ng  residenteng si Zenaida Esparas.

Sa reklamo ni Esparas, illegal umano ang ginagawang dredging sa Brgy. Talabaan na maaaring makasira sa kabuhayan, kalikasan at kaligtasan.

Giit pa ni Esparas walang ginagawang aksyon si Gadiano sa kanilang mga reklamo kaya dapat ang Malacanang na umano ang mag-imbestiga.

Ipinasa ng DENR MGB MIMAROPA kay Gov. Gadiano ang pag-aksyon sa reklamo ni Esparas dahil ang gobernadora ang chairperson ng Inter-Agency Committee for monitoring and enforcement ng dredging operations sa ilalim ng Department Administrative Order 2020-12.

Ayon kay Gadiano, sasagutin nila ang sulat na ipinadala ng DILG at DENR MGB sa Lunes.

Una nang iginiit sa mga naunang panayam kay Gadiano na legal at kumpleto ang lahat ng dokumento ng dredging operations at makakabuti ito para mapalalim ang mga ilog upang maiwasan ang pagbaha sa Occidental Mindoro.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *