ORIENTAL MINDORO – Sina Puerto Galera incumbent Mayor Rocky Datinguinoo Ilagan (RDI) at ama na si Robinhood De Chavez Ylagan (RDY) ang nakakuha ng suporta ng maimpluwensyang Iglesia Ni Cristo na kilala sa block voting.
Tumatakbing mayor ng Puerto Galera ang nakakatandang Ylagan habang ang anak niya na incumbent mayor at nasa huling termino na si Ilagan ang tumatakbong vice mayor.
Inanunsyo ng mag-ama ang pag-endorso sa kanila ng INC sa isang facebook post.
Lubos ang pasasalamat ng mag-ama sa suporta na ipinagkaloob ng INC sa kanilang pagtakbo.
“isang malaking karangalan ang makuha ang inyong suporta. Maraming salamat sa pagtitiwala sa aming kakayahan” sabi sa post ng mag-ama sa social media.
Pagtiyak ng mag-ama, patuloy nlang isusulong ang pagpapatuloy ng serbisyong nagmumula sa puso sa bayan ng Puerto Galera.
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025
- Passenger Ship and Fishing Vessel Collide Near Lucena City Pier - July 7, 2025