Sunog sumiklab sa Batangas International Port

Mabiis kumalat ang apoy dahil sa malakas ang hangin at tuyong-tuyo ang mga damo sa lupain na sakop ng Batangas International Port.

BATANGAS CITY – Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang grass fire  na sumiklab  sa lupain na sakop ng Batangas International Port  sa Batangas City.

 Ayon kay Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, bandang  12:55  ng hapon nagsimula ang sunog.

Mabilis na rumesponde ang fire truck ng Philippine Ports Authority o PPA pero  naging mabilis ang pagkalat ng apoy lalo’t malakas ang hangin  at tuyong-tuyo ang mga damo.

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang grass fire sa Batangas International Port.

Sumaklolo na rin ang Batangas City Fire Station.

Ayon kay Sinocruz, tinatayang nasa 20 ektarya na ang lawak ng apektado ng sunog.

Inaagapan nilang hindi maabot ng apoy ang stock yard kung saan may mga nakaimbak na mga hazardous chemicals.

Sinisikap din na hindi madamay ang mga nakaparadang mga imported brand new cars.

Habang iniingatan din na makalapita ang sunog sa residential area.

Hindi pa malinaw kung papaano nagsimula ang sunog.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *