Cong. Umali, umaasa pa rin sa Batangas-Mindoro Super Bridge

Naglalayag ang isang RoRo sa pagitan ng Batangas at Mindoro.

ORIENTAL MINDORO –  Isinusulong ni Oriental Mindoro 2nd District Rep.  Alfonso Umali  Jr. na matuloy pa rin ang pagtatayo ng Batangas- Mindoro Super Bridge na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng lalawigan at mga pamumuhay ng mga mamamayan.

“Imagine kung ano magagawa niyan, makakasama tayo sa mainland Luzon ,pag-may tulay na tayo, wala  na tayong problema ,bumagyo man ,signal number 1,2 eh tayo makakatawid eh , yung mga produkto natin hindi na mabubulok “ sabi ni Rep. Umali.

Inaasahang mas lalo pang sisigla ang turismo sa Oriental Mindoro kapag naitayo na ang Batangas-Mindoro Super Bridge.

Umaasa si Cong. Umali na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay masisimulan ang proyekto.

Bagamat wala pang kongkretong pondo at hindi pa rin tapos ang pag-aaral sa nasabing super bridge, malaki ang paniniwala ng kongresista na darating ang araw ay may susugal para may mamuhunan sa upang maitauo ang tulay.

Paliwanag ni Umali, maraming puwedeng idaan sa tulay na mga malalaking Negosyo na magiging daan sa pag-unlad ng Oriental Mindoro.

“Maaaring wala na tayo sa mundo pero gagawin yan, bakit?  Siguro sa ngayon hindi pa kaya ang volume ng sasakyan  sa toll gate pero  hindi lang naman toll gate ang inaasahan “ sabi ni Umali.

Mas mabilis nang maitatawid sa Batangas patungong Metro Manila ang mga produkto mula sa Mindoro kung may tulay na magdudugtong na sa dalawang probinsya.

,” Eh pwede tayo maglagay dito ng power ,yung solar ,pwde natin yan itawid sa Luzon eh , mayroon tayong natural gas sa Mansalay, Bulalacao ,pwde nating idaan sa tulay yan ,mayroon tayong bulk water, tubig ,pwde nating idaan dyan , yung ating telecommunications, internet, puwede natin idaan dyan, so malaki ang babayaran nila dyan “ dagdag pa niya.

Taong 2015 nang ilatag ang ideya noong si Umali pa ang gobernador ng Oriental Mindoro.

Ulat ni Jerry Alcayde

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *