BATANGAS CITY – Binulabog ng bomb threat ang campus ng University of Batangas (UB) umaga ng Miyerkoles, April 30.
Naantala ang klase ng mga mag-aaral na nabalot ng takot dahil sa natanggap na bomb threat bandand 7:25 ng umaga.
Ayon sa ulat ng Palakat Batangas City na Public Information Office ng local na pamahalaan, unang rumesponde ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) mula sa opisina ng main campus ng UB hinggil sa kumakalat na text message na nagsasabing may bomba umano sa loob ng paaralan.
Rumesponde rin ang Batangas City Police, Bureau of Fire Protection, EBD-MT Task Force Disiplina, TDRO,at Philippine Red Cross.
Mabilis na pinalikas ang mga estudyante, guro at iba pang mga nasa loob ng paaralan para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Inactivate kaagad ang Incident Management Team sa utos ni Mayor Beverly Dimacuha na tumatayong Chairperson ng CDRRMC.
Habang nagtayo ng staging area malapit sa Saint Bridget College.
Hinalughog ng bomb squad gamit ang K-9 dogs ng PECU, PCG-EOD at PCG K-9 unit pero makalipas ang ilang oras ay idineklarang negatibo sa bomba ang unibersidad.
Pinaniniwalaang isang prank text lamang ang natanggap na mensahe at iniimbestigahan pa kung kanino ito nagmula.
Umapela naman si CDRRM Officer Rod Dela Roca sa publiko na maging responsible sa paggamit ng cellphone at social media at iwasan ang mga prank text at prank call na nagdudulot ng takot at kapahamakan.
Mula sa ulat ng Palakat Batangas City/ PIO
- Bagong DPWH Usec. Nick Conti, anak ngSan Pascual, Batangas - October 11, 2025
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
