Mayor Matt Florido, disqualified na ng Comelec sa pagtakbong kongresita sa 3rd District ng Quezon dahil sa vote -buying

Si General Luna, Quezon Mayor Matt Erwin Florido sa isang campaign rall. Larawan mula sa facebook page ni Mayor Florido.

UPDATED -BREAKING NEWS

MANILA –  Disqualified na ng Comelec sa pagtakbong kinatawan ng third district ng Quezon Province si Heneral Luna incumbent Mayor Matt Erwin Florido dahil sa vote-buying.

 Ibinaba ng Comelec 1st Division ang desisyon laban kay Florido ngayong Miyerkoles, April 30, 2025.

Sa reklamo ng mga nagsampa ng petisyon na sina Jan Raphael Pasillao, Manolo De Leon Panganiban, Norita Victor, Jay-R Victor at Mark Pardiñas na mga residente ng bayan ng Buenavista, noong April 5 at April 6  sila ay inimbitahan sila ng isang representative ni Mayor Florido para sa isang orientation/ gathering  sa isang lugar sa bayan ng Catanauan.

Wala umanong ibinigay na dahilan sa imbitasyon ni Mayor Florido pero sagot umano ang pagkain at transportasyon.

Sinundo umano sila ng jeep at dinala sa lugar kung saan nag-speech ang alcalde kung saan siya nangampanya.

Nagkaroon pa umano ng candle lighting bilang pagsuporta sa kandidatura ni Florido sa pagka-kongresista.

Pagkatapos umano nito, lahat ng dumalo ay binigyan ng t-shirt at brown envelope na  naglalaman ng Php 1,000.

Kumamay pa umano si Florido sa mga naabutan ng t-shirt at pera.

Pagkatapos umano nito ay inihatid na sila pauwi sakay muli ng jeep.

Ayon sa Comelec first division,  base sa mga ebidensya, napatunayan na si Mayor Florido  ay nagsagawa ng vote-buying kaya pinapatawan ng disqualification sa pagtakbong kongresista.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *