7 arestado sa raid ng PDEA, PH Navy at Coast Guard sa drug den sa Lucena City

Pito ang arestado sa raid ng PDEA sa drug den sa Brgy. Dalahican, Lucena City. Larawan mula sa Coast Guard Southern Tagalog District

LUCENA  CITY –  Pito ang arestado nang magsagawa ng buy-bust operation  ang magkakasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Quezon Provincial Office, PDEA Marinduque, Philippine Navy, at Coast Guard Station Southern Quezon  Law Enforcement Team sa Purok 3-A, Barangay Dalahican noong Linggo ng gabi.

Isinagawa ang operasyon base sa intelligence  report na mayroon drug den at kasalukuyang nagkakaron ng palihim na drug activities sa lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang 20.9 grams ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga sa PHP 142,120.

Narekober din ng mga otoridad ang iba-ibang drug paraphernalia.

Nakakulong na sa PDEA Region IV-A facility ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *