Pagsibak muli sa mayor ng Lobo, walang katotohanan

LOBO, Batangas – Mariin pinabaluanan ni Mayor Lota Manalo na siya ay muling sinibak sa pwesto ngayong Martes, ilang araw matapos na siya ay maibalik sa kapangyarihan bilang pinuno ng bayan.

Sa kaniyang opisyal na pahayag, kaniyang sinabi na walang katotohanan ang ipinapakalat na balita.

Pero, inamin ni Mayor Manalo na totoong nakatanggap siya ng  sulat mula sa Office of the Ombudsman.

Nakasaad sa sulat na inaprubahan ng Ombudsman ang anim na buwan preventive suspension sa kaniya sa isa pang hiwalay na kaso na isinampa laban sa kaniya.

Ayon sa alcalde gumagawa na ng mga legal na hakbang ang kaniyang abogado para pigilan ang implementasyon ng nasabing suspension order.

“Ang akin pong legal team ay gumagawa na ng hakbang upang i-challenge ang implementasyon ng suspensyon dahil labag ito sa Section 62 ng Local Government Code of the Philippines kung saan nakasaad na walang preventive suspension na maaaring ibaba siyamnapung (90) araw bago ang eleksyon.” Pahayag ni Mayor Manalo.

Noong nakaraang April 24, 2025 lamang ay ibinalik ng DILG si Manalo sa pwesto bilang mayor ng Lobo matapos na iutos ng Court of Appeals kasunod ng naging pagbaligtad sa naging desisyon ng Ombudsman na sibakin siya sa pwesto .

Sinabi ng Court of Appeals na illegal ang pagkakatanggal sa pwesto kay Manalo  ng Ombudsman.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *