CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Posibleng may kinalaman sa kuryente ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa lumang gusali ng Old Oriental Mindoro Provincial Hospital nitong Linggo ng tanghali, April 27,2025.
Sa inilabas na official statement ng Provincial Health Office, bandang 11:45 ng umaga nang mangyari ang sunog na nakaapekto sa sa lumang canteen ng ospital at sa out-patient department section.
Base sa umano sa inisyal na pahayag ng mga nakasaksing residente , isang pagsabog muna ang narinig mula sa electric post kung saan nakakabit ang transformer.
Sabi ng PHO,mabilis na rumesponde ang BFP- Calapan City, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Oriental Mindoro, at tumulong na rin ang Tamaraw Fire Volunteer Brigade, BFP- Baco at ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Calapan City.
Ayon pa sa PHO, nang mangyari ang sunog, ang OPD Section ng Old OMPH ay ginagamit ng provincial health office bilang pansamantalang storage area ng 19 na piraso ng damaged toilet bowls na hinihintay na lamang kunin ng supplier para mapalitan at imbakan din ng waste infectious boxes na naglalaman ng discarded syringes na ginamit mula sa dating cold chain vaccination activities.
Wala rin nasaktan sa nangyaring sunog.
Dagdag pang pahayag ng PHO, ang lumang gusali ng OMPH ay nabakante na at formal nang na-i-donate sa Department of Health para sa itatayong MIMAROPA Regional Hospital.
Patuloy pa rin naghihintay ang PHO sa BFP- Calapan City nang resulta ng pinal na imbestigasyon sa nangyaring sunog.
Kaugnay na ulat : https://totoongbalita.ph/old-provincial-hospital-ng-oriental-mindoro-nasunog-provincial-health-office-tiniyak-na-walang-mga-gamot-na-nadamay/mimaropa/tbst/
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025