Old Provincial Hospital ng Oriental Mindoro, nasunog; Provincial Health Office, tiniyak na walang mga gamot na nadamay

Tulong-tulong ang mga bumbero sa pag-apula sa apoy sa lumang gusali ng Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City.

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Nilamon ng apoy ang  gusali ng Old Provincial Hospital ng Oriental Mindoro sa Barangay Ilaya  kaninang tanghali.

 Ayon kay FCINSP Franz Dominique Badong-    Casalme, City Fire Chief, nagsimula ang sunog bandang 11:56 ng umaga pero sa ngayon ay under control na ang apoy.

Sabi ni Badong-Casalme, ginawa na lamang bodega ang lumang ospital at maraming nakatambak na mga papel  kaya mabilis ang paglaki ng apoy .

Nilamon ng apoy ang Old Provincial Hospital ng Oriental Mindoro , Linggo ng tanghali.
Larawan mula sa Calapan CDRRMO.

“mabilis po siyang lumaki since malakas po ang hangin tapos yung mga materials na andito po  natin mga gamot, mga syringe tapos mga cartoons “ sabi ni Badong -Casalme.

Itinanggi naman ni Oriental Mindoro Provincial Health Officer Dr. Cielo Ante na may mga gamot na nadamay sa sunog.

Sinabi ni Dr. Ante, na walang nadamay o nasunog na mga gamot  sa nasunog na Old Provincial Hospital .

Giit ni Dr. Ante, mayroon silang hiwalay na imbakan ng gamot.

Tiniyak ng Provincial Health Office na walang nadamay na mga gamot.
Larawan mula sa Calapan CDRRMO

“Mayroon kaming supplies office .mayroon kaming lalagyan talaga ng gamot na rooms at yun ay doon sa  kabilang building , hindi naman kami naabot  kasi andoon din ang mismong office ko” sabi ni Dr. Ante.

Paliwanag  ng Provincial Health Office, ang mga nakaimbak lamang sa lumang provincial hospital ay mga  nagamit ng syringe at mga depektibong toilet bowls.

“wala pong gamot, kahit po ipacheck natin ,ang andoon po  ay 19 pieces ng  damaged na toilet na ay hindi naming tinanggap mula sa supplier  kasi damaged siya tapos yung mga syringes na naka-box, used nay un  kasi nagbabakuna…. Auto-disable na  syringe pero yun po  ay hindi nagamit noon  panahon ng Covid dahil  hindi siya akma” dagdag pa ni Dr. Ante.

Luma na din ang gusali at nakatakda na talagang gibain ito.

“nilalagyan ng kulay  na sinunog daw ,Diyos ko naman,  yan po ay for demolition na “ dagdag pa niya.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.

Wala naman naiulat na nasaktan.

Totoong Balita Southern Tagalog

One thought on “Old Provincial Hospital ng Oriental Mindoro, nasunog; Provincial Health Office, tiniyak na walang mga gamot na nadamay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *