Higit 5,000 pulis, ipapakalat sa buong MIMAROPA sa May 12 elections

Handang-handa na ang MIMAROPA PNP sa darating na halalan. Larawan mula sa MIMAROPA PNP

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro –  Ilang araw bago ang nakatakdang  Halalan 2025 sa May 12, tiniyak ng MIMAROPA Police na handang-handa na sila.

Ayon kay PBGen. Roger Quesada, Regional Director ng MIMAROPA PNP, mahigit  5,000 pulis ang kanilang idedeploy para sa 1,569 na voting centers sa buong rehiyon.

Simula rin ng i-activate ang Regional Election Monitoring  Action Center  (REMAC) noong Enero ay wala pang naitatalang election-related incident sa MIMAROPA.

“Hindi po magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang matibay na pagtutulungan ng kapulisan, mga lokal na pamahalaan, at mga komunidad na patuloy na sumusuporta sa adhikain ng kapayapaan at kaayusan,” Sabi ni PBGen. Quesda.

“Sa ating mga kababayan, makakaasa po kayo na ang Pulis MIMAROPA ay mabilis kumilos, madaling lapitan, at laging handang maglingkod — dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!” dagdag pa niya.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *