Rehabilitasyon  ng Pansipit river, tinalakay

Sina Batangas Gov. Hermilando Mandanas at Vice Gov. Mark Leviste sa isinagawang meeting sa Talisay para sa dredging and desilting ng Pansipit River. Larawan mula sa Batangas PIO

TALISAY, Batangas Pinag-usapan ng mga opoisyal ng  provincial government ng Batangas ,mga department heads at mga kinatawan ng Taal Volcano Protected Landscape ang rehabilitaston ng Pansipit River.

Ang Pansipit River ay isa sa pangunahing ilog sa Batangas na nagmumula sa Taal Lake dumadaan sa mga bayan ng San Nicolas, Agoncillo, Taal at Lemery  na nagtatapas sa Balayan Bay.

Isinagawa ang pagpupulong para sa dredging at desilting ng Pansipit River sa Talisay, Batangas na pinangunahan ni Gov. Hermilando Mandanas at dinaluhan ni Vice Gov. Mark Leviste, First Lady Atty. Angelica Chua- Mandanas  at dumalo rin ang iba pang stakeholders  kasama ang mga samahan ng mga mangingisda.

Mahalaga  na maisayos ang Pansipit river  upang maiwasan ang pagbaha.

Matatandaang noong manalasa ang Bagyong Kristine noong October 2024 ay naging matindi ang pagbaha sa mga bayan na nakapalibot sa Taal Lake at Pansipir river dahil hindi agad umano nakalabas ang tubig dulot ng baradong ilog.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *