MAMBURAO, Occidental Mindoro – Nasunog ang ilang bahay at talyer sa National Highway sa Barangay 4, Mamburao, Occidental Mindoro nitong Sabado ng umaga.
Ayon kay FO2 Geoffrey Lopez ng BFP- Mamburao, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Justin Bautista na kalapit lamang isang gasolinahan bandang 10:40 ng umaga.




Mabilis ang paglaki ng apoy at nadamay pa ang dalawa pang kalapit na bahay at isang talyer.
Natupok din ang dalawa hanggang tatlong sasakyan sa talyer.
Sa laki ng sunog, rumesponde na rin ang mga bumbero mula sa mga kalapit bayan ng Abre de Ilog at Santa Cruz gayundin ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Mamburao, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at mga pulis.
Nagbayanihan din ang mga residente sa pagtulong umpang maapula ang apoy.
Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng apoy na naideklarang fire-out bandang 11:25 ng umaga.
Inaalam pa ang halaga ng pinsala.
Wala naman naiulat na nasaktan sa nangyaring sunog.
-ULAT ni Karlo Magno Caracas
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025
- Passenger Ship and Fishing Vessel Collide Near Lucena City Pier - July 7, 2025