SABLAYAN, Occidental Mindoro – Ipinakita ni Mayor Walter “Bong” Marquez sa mga miyembro ng media ang itinatayong Sablayan Coliseum sa Brgy. Poblacion.
Tuloy-tuloy na ang kontruksyon ng coliseum na target matapos sa taon 2028.
Ayon kay Mayor Marquez, nasa ₱800M ang pondo para maitayo ang Sablayan Coliseum.
Nagbigay na ng ₱50M si Sen. Bong Go, ₱250M si Cong. Odie Tarriela at ₱100M ang CWS Party-list.
May limang palapag ang itinatayong Sablayan Coliseum na may seating capacity na 15,000.
Ayon pa kay Mayor Marquez, target ng Sablayan LGU na maging regional sports center ng MIMAROPA Region ang bayan ng Sablayan kaya patuloy ang kanilang pagsasaayos ng mga sports facility.
Nagpahayag na ang Sablayan LGU sa Philippine Sports Commission para maideklarang Regional Sports Center ang Sablayan.
- Gov. Dolor: legal ang dredging at kailangan para matapos ang problema sa baha sa Oriental Mindoro - June 21, 2025
- Mag-asawa na sangkot sa Php 5-B investment scam sa Batangas, arestado sa Occidental Mindoro - June 15, 2025
- Bahay ng pulis sa San Jose, Occidental Mindoro,nasunog; 2 aso, nasawi - June 13, 2025