10 arestado sa ilegal na pangangisda sa Naujan

Batay sa umiiral na ordinansa, ipinagbabawal ang pangingisda sa bayan ng Naujan kung hindi mga rehistadong residente ng bayan. Larawan mula sa FMO Naujan

NAUJAN, Oriental Mindoro – Sampung mangingisda ang inaresto ng Fisheries Management Office (FMO) dahil sa hindi otoridadong pangingisda sa municipal water ng bayang ito noong Miyerkoles.

 Ayon sa report ng FMO, bandang ala-7:00 ng gabi nang magsagawa ng special operation ang Municipal Fishery Law Enforcement Team o MFLET na nagresulta sa pagkakasabat sa tatlong bangka habang nasa akto na naghuhulog ng lamabt sa dagat na sakop ng Barangay Estrella at Barangay San Antonio.

Pawang mga taga-Calapan City ang mga nahuling mangingisda kung saan ipinaliwanag sa kanilang ang dahilan ng kanilang pagkakaaresto  habang naka-impound na ang tatlong bangka .

Sinabi ni  Sean Nagutom  ng FMO, batay sa umiiral na ordinansa ng Naujan ay tanging ang pinapahintulutan lamang na mangisda sa kanilang municipal waters ay ang mga rehistradong residente ng bayan ng Naujan.

Ang mga nahuling mangingisda ay pinagmulta alinsunod sa probisyon ng Pambayang Ordinansa Bilang 39, serye ng 2005.  

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *