Lota Manalo, ibinalik na bilang Mayor ng Lobo, Batangas

PANALO SI MANALO: Nanumpa si Lota Manalo kay DILG Regional Direcctor Ariel Iglesia sa kaniyang pagbabalik bilang mayor ng Lobo, Batangas.

LOBO, Batangas – Ilang araw bago ang halalan, nakabalik sa pwesto si Lota Manalo bilang mayor ng Lobo, Batangas.

Nanumpa si Manalo kay DILG Regional Director Ariel Iglesias sa kaniyang muling pagbabalik sa pwesto.

Iniutos ng Court of Appeals sa DILG ang agarang pag-upo muli kay Manalo bilang mayor ng Lobo matapos ibasura ang motion for reconsideration na inihain ng nagsampa ng reklamo na Efren Ramirez Construction dahil sa kawalan ng mga bagong argumento.

Noong February 27,2025 nauna nang binaligtad ng Court of Appeals ang desisyon ng Ombudsman na nagdidiskwalipika at nagpatalsik  kay Manalo.

Giit ng CA , tama lamang ang mga naging aksyon ng alkalde sa nagrereklamo.

Babalik naman sa pagiging vice mayor si Geronimo Alfiler na tahimik na nilisan ang munisipyo matapos matanggap ang utos ng DILG.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *