That’s My Kab Scout Region IV 2025 taga-Batangas City

Batangas City – Nag courtesy call kay Mayor Beverley Dimacuha ang tinanghal na 2025 That’s My Kab Scout of Region IV na si Christian Kyle Guevarra.

Siya ay 9 ang na taong gulang na mag-aaral mula sa Sorosoro Elementary School at siyang naging kinatawan ng lungsod sa Southern Tagalog Regional Kid Kabsayahan na ginanap kamakailan sa Lucena City.

Layunin ng naturang kompetisyon ng Boy Scout of the Philippines (BSP) na mahubog ang angking husay at talento ng mga batang scout.

Nanalo naman ang Kid Scout na si Johndale Ramle Calleja ng Sta Rita Aplaya Elementary School sa Singing Kid 2025.

Si Charles Stephen Montejo ng Alangilan Senior High School ang dadalo bilang kinatawan ng Batangas City sa National Scout Youth Forum na gaganapin sa Central Luzon State University Science City of Munoz Nueva Ecija sa April 23. (PIO Batangas City)

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *