Bulalacao Mayor Villas, asawa pinagpapaliwanag ng Comelec sa vote-buying

Si Bulalacao Mayor Ernilo Villas sa isang campaign rally. Larawan mula sa FB Page ni Mayor Villas.

MANILA – Posibleng ma-diskwalipika sa kanilang pagtakbo ngayong halalan sina incumbent Bulalacao, Oriental Mindoro  Mayor Ernilo Villas at kaniyang asawa dahil sa kaso ng vote-buying.

 Pinadalhan na ng show cause order ng Committee on  Kontra Bigay National Complaint ng Commission on Elections (Comelec) sina Mayor Villas at asawa na si Edna Villas upang pagpapaliwanagin sa reklamo ng pamimili umano ng boto.

Sa reklamo na natanggap ng Comelec na may mga kalakip na mga larawan bilang ebidensya,namigay umano sina Villas n tig-2,000 pesos kada isang tao  sa ilalim ng pagkukunwaring programa ng DSWD noong March 27, 28 at April 2,2025  sa covered court ng Barangay Poblacion, Bulalacao, Oriental Mindoro.

Ayon sa Comelec, posibleng nalabag nina Villas ang Omnibus Election Code  at ang Comelec resolution section 26 sa presumed vote -buying and vote-selling.

Binibigyan ng Comelec ng tatlong araw ang mag-asawang Villas na magpaliwanag.

Tumatakbong vice mayor si incumbent Mayor Villas habang  mayor naman ang tinatakbuhan ng kaniyang asawa na si Edna villas.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *