Parangal sa mga mangingisda na bayani ng MV Hong Hai 16 tragedy

Binigyang pagkilala ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog ang 12 mangingisda na mabilis sumaklolo sa mga tripulante ng MV Hong Hai 16 na tumaob sa Rizal, Occidental Mindoro. Mga larawan mula sa PCG Southern Tagalog

RIZAL, Occidental Mindoro – Ang Philippine Coast Guard Southern Tagalog ay  binigyang pagkilala ang 12 mangingisda na unang sumaklolo sa pagtaob ng MV Hong Hai 16 noong Martes Santo ng hapon malapit sa katubigan ng Barangay Rizal, Occidental Mindoro.

Personal na iniabot ni PCG Southern Tagalog District Commander Commo Geronimo Tuvilla ang sertipiko ng pagkilala sa mga mangingisda sa isang seremonya sa munisipyo ng Rizal, Occiental Mindoro na dinaluhan din ni Mayor Sonny Pablo.

Kinilala ng PCG Southern Tagalog ang kabayanihan ng mga mangingisda na hindi nagdalawang isip na sumaklolo sakabila ng perwisyo na idinudulot ng dredging activities sa kanilang kabuhayan.

Ang tumaob na MV Hong Hai 16 ay paalis na sana matapos makapaggarda ng 7,400 cubic mteres ng buhangin  nang tumaob ito .

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga mangingisda, 8 chinese nationals at 6 na Filipino na mga crew ng dredging vessel ang naisalba nila ang buhay.

Hanggang sa ngayon patuloy ang pagtulong ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagtatawid ng mga otoridad at mga kagamitan patungo sa incident command post sa patloy na search and recovery operations sa dalawa pang nawawalang crew.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *