8 pang bayan sa Batangas, inilagay sa areas of concern dahil sa umiinit na away-pulitika

Bumuo ang mga pulis ng human barricade para maiwasan ang gulo matapos magkasalubong ang motorcade ng dalawang magkalabang partido. Larawan mula sa Batangas PNP PIO

BATANGAS – Nagdadagan pa ng walong bayan ang nasa areas of cocern sa Batangas dahil sa umiinit na away-pulitika na ngayon ay umaabot na sa kabuang 11 bayan at isang lungsod ang mahigpit na binabantayan ng mga otoridad.

Sinabi ni PMaj. Eduardo Timbol II, public information officer ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) na nadagdag sa kanilang listahan ng areas of concern ang mga bayan ng Bauan, San Pascual, Mabini, Lobo, San Nicolas, Taysan at Nasugbu.

“Ito po ay based on our concerns dahil medyo nagkakainitan po on the ground

Because of the current political situation ,medyo intense po ang rivalry ngayon  ng politican candidates “ sabi ni Maj. Timbol.

Una nang  inilagay sa areas of concern ang mga bayan ng San Jose, Mataasnakahoy, Taal at Tanauan City.

Sa huling araw naman ng kampanya naman kahapon, napilitan ang mga pulis na bumuo ng human barricade upang maiwasan ang gulo nang magkasalubong ang motorcade ng dalawang mahigpit na magkalaban sa tumatakbong mayor at congressman sa Bauan, Batangas.

“Talaga lang po nagkasalubong yung caravan o yung  motorcade ng dalawang political candidates kaya to make sure na hindi na po magkainitan , yun lang naman po ang iniiwasan natin nagform na po ng human barricade  ang ating kapulisan lahat po ng dadaanan ng caravan ng candidates po natin “ dagdag ni Maj. Timbol.

Nasa 2,048 na mga pulis ang  nakadeploy na sa mga police precints at mga Comelec checkpoints.

May 748 din na mga pulis mula sa Regional Headquarters ng Calabarzon PNP ang ipindala sa Batangas para mapanatili ang katahimikan ng halalan .

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *