LUCENA CITY – Pito ang arestado nang magsagawa ng buy-bust operation ang magkakasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Quezon Provincial Office, PDEA Marinduque, Philippine Navy, at Coast Guard Station Southern Quezon Law Enforcement Team sa Purok 3-A, Barangay Dalahican noong Linggo ng gabi.
Isinagawa ang operasyon base sa intelligence report na mayroon drug den at kasalukuyang nagkakaron ng palihim na drug activities sa lugar.
Nasamsam sa mga suspek ang 20.9 grams ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga sa PHP 142,120.
Narekober din ng mga otoridad ang iba-ibang drug paraphernalia.
Nakakulong na sa PDEA Region IV-A facility ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025