PAKIL, Laguna – Inaresto ng mga pulis sa bayan ng Pakil, Laguna ang anim na lalaki na nagpanggap umanong mga ahente ng National Bureau of Investigations o NBI na nagkunwaring manghuhuli ng mga sangkot sa vote-buying activities.
Ayon kay Atty. Patrick Enaje, Provincial Election Supervisor ng Laguna, humingi ng tulong sa mga pulis ang election officer ng Pakil para ipa-verify ang pagkatao ng mga dumating sa isang activity na nagpapakilalang NBI.
Ang mga peke umanong NBI ay nagtungo sa Pakil dahil sa report ng vote-buying.
Nakatakas ang isa pang suspek.
Pero natuklasan ng mga pulis na hindi pala sila totoong NBI agents.
Nasamsam din sa mga suspek ang iba-ibang mga baril.
Patuloy pa ang imbestigasyon.
ITO AY DEVELOPING STORY… ABANGAN ANG IBA PANG DETALYE!
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025